ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang abogado na si Rafael Vicente Calinisan bilang bagong commissioner ng National Police Commission (Napolcom).
Ang Napolcom ay binubuo ng mga commissioner na kumakatawan sa iba’t ibang sektor, tulad ng civilian at law enforcement. Si Calinisan ay magiging bahagi ng body na may tungkulin na magpatupad ng administrative control at operational supervision sa Philippine National Police (PNP), na layuning matiyak ang pagkakaroon ng “highly capable, effective at credible police service.”
Magsisilbi si Calinisan hanggang Disyembre 31, 2024. Papalitan niya si Alberto Bernardo, na nagsilbi rin noon bilang Napolcom vice chairperson and executive officer (VCEO).
“Aalagaan at ipaglalaban natin ang hanapbuhay at kapakanan ng mga pulis. Hahanapin natin ang mga solusyon para lalong maisaayos ang ating kapulisan… We will be your partners in rebuilding this nation. Know that I will be your best friend in government,” ayon kay Calinisan.
“However, let it also be known that I will be the nemesis of all abusive cops. I will not shirk from this responsibility. I will do what needs to be done,” dagdag pa nito.
Bago ang kanyang Napolcom appointment, nagsilbi si Calinisan bilang chairman at executive officer ng Quezon City’s People’s Law Enforcement Board.
Nakuha ni Calinisan ang kanyang business administration and accountancy degree sa University of the Philippines, habang ang kanyang law degree ay sa Ateneo de Manila University. Nakamit din niya ang kanyang Master of Law degree mula sa University of Pennsylvania noong 2014.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA