NANINDIGAN ang Office of the Ombudsman na pag-aari ng pamahalaan ang mga pantalan at legal ang paggamit dito ng gobyerno.
Ang pahayag ng Ombudsman ay kasunod nang pagpapawalang-sala kay dating Angono Rizal Mayor Gerardo Calderon sa mga kinakaharap na kasong graft, grave misconduct at abused of authority ba isinampa ng complainant na si Cecilia Del Castillo dahil sa pagsakop sa kanyang property ng itinatayong Lakeside Eco-Park para sa easement ng Laguna de Bay noong 2017.
Sa 9-na pahinang resolusyon, sinabi ng Ombudsman na ang pagdismis sa reklamo ni Del Castillo, ay batay sa Presidential Decree 1067 na nagtatakda na ang 20-meter easement bawat panig ng ilog at mga creek, at 40-meter easement para sa bays and lakes, ay hindi maaaring ariin o sakupin ng mga pribadong korporasyon at indibiduwal.
Nagsagawa rin ng pagsusuri ang Ombudsman sa reklamo ni Castillo at napatunayan na ang kinukuwestiyong lugar ay protektado ng easement law.
Absuwelto rin ang dating alkalde sa alegasyon ng complainant na pinayagan ni Calderon ang mga informal settler a manirahan sa property ni Castillo dahil napatunayan sa imbestigasyon na ang caretaker ni Castillo ang nagbenta sa property at pumayag na manirahan duon ang mga ISFs kapalit ang malaking bayad.
Samantala, natapos na ang Angono Lakeside Park project na isa na ngayon sa major tourist attractions sa lalawigan ng Rizal.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE