October 17, 2024

CALABARZON Global Sikaran Fed C’ ship 2024… GSF RAVEN TANAY KAMPEONG TUNAY!

DINOMINA muli ng GSF Raven Tanay Sikaran ang Region 4A CALABARZON Global Sikaran Federation Sikaran Championship 2024.

Pinadapa ng Tanay Raven ang walong koponang pambato ng Region 4 kabilang ang Tanay Red Dragons, Baras Tornados, Baras Bulldogs, Morong Highlanders, Teresa/Antipolo SPA, Angono Phoenix, Taytay Leopard at Taytay Black Tigers.

“Proud ako sa mga bata sa pagpapatuloy at pananatili ng aming winning tradition,” wika ni GSF Raven Tanay Sikaran founding team owner Master Crisanto Cuevas.

“Iba talaga pag may sariling Sikaran Gym. Ang mga students natin nakaka-practice or training nang husto dahil meron tayong sariling Sikaran Gym na anytime pwede silang mag ensayo kaya ang resulta, laging nangunguna sa kumpetisyon,” dagdag pa ng 10x martial arts hall of famer (Philippines, USA, Canada, India) na si Cuevas Gayunpaman ang ating Sikaran Gym ay open para sa lahat ng Sikaran enthusiasts na gustong mag-ensayo lalo na sa mga Taga-Rizal.