Binigyang-linaw ng National Task Force against COVID-19 (NTF) ngayong Miyerkoles ang kumakalat na “fake news” ukol sa pagsasailalim sa buong Calabarzon o Region 4-A sa enhanced community quarantine (ECQ) tulad nang sa Metro Manila.
“Wala pong desisyon na ganyan,” saad ni NTF deputy chief implementer and testing czar Vince Dizon sa isang televised briefing.
Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) announcements for the Management of Emerging Infectious Diseases, tanging Metro Manila lang ang iniligay sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.
Sa Calabarzon, tanging Laguna at Lucena City sa Luzon ang isinailalim sa modified enhanced community quarantine hanggang Agosto 15.
Samantala, isasailalim naman sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Cavite at Rizal habang ang Batangas at Quezon ay sasailalim sa GCQ hanggang Agosto 15.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE