Kinuha na ng South Korean team si PBA player Alex Cabagnot.
Sa kaniyang social media account ay ibinalita nito na pumirma na siya sa Korean Basketball League sa koponang Goyang Sono Skygunners.
Ang 41-anyos na si Cabagnot ay dating San Miguel Beermen player na naging one-time PBA finals Most Valuable Player, eight-time PBA All Star at one-time PBA Mythical team member.
Huling koponan na sinalihan nito ay ang Terrafirma Dyip kung saan naglaro lamang ito ng 13 laro dahil sa dinapuan ito ng Achilles injury.
Ang 6-footer na si Cabagnot ay mayroong average na 12.1 points, 5.0 assists, 3.9 rebounds at 1.1 steals. RON TOLENTINO
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW