BINALAAN ng Civil Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko laban sa ilang indibidwal na nagso-solicit ng mga bagay o pera gamit ang kanilang ahensiya.
Sa pahayag ng CAAP, wala silang opisyal at empleyado na pinahihintulutan na mag-solicit.
Paliwanag ng ahensiya, ginagamit ng mga ito (kahina-hinalang indibidwal) ang pangalan ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo para mag-solicit ng pera.
Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, gumagamit din ang mga indibidwal na ito ng pekeng bank information sa pagso-solicit ng pera.
“The Authority does not tolerate these acts and urges the public to report to our office any activities relating to the above so that appropriate criminal charges may be filed against them. We further urge the public to remain vigilant,” saad ni Apolonio.
Dagdag niya: “Finally, we inform the public that all communications from our office and personnel shall only be done through official channels.” ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA