PINIRMAHAN na nina Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Captain Manuel Antonio Tamayo at Borongan City Mayor Ivan Dayan Agda ang memorandum of agreement (MOA) para sa development at maintenance ng Borongan Airport.
“With the aim of accommodating a growing number of passengers and fostering economic growth in the area, the Borongan City government proposed a comprehensive plan to undertake and finance various development and maintenance projects at Borongan Airport,” ayon kay Tamayo.
Kabilang sa mga proyekto ang pagpapatayo ng bagong passenger terminal building.
Ayon pa kay Tamayo na ang MOA ay isang makabuluhang milestone sa partnership ng CAAP at ng Borongan City Government.
Aniya na ang kasunduan ay isang patotoo sa kanilang dedikasyon at magkasanib na pagsisikap na mapabuti at mapaunlad ang paliparan at umaasang magsilbing blueprint para sa patuloy nilang kooperasyon sa hinaharap. ARSENIO TAN
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag