Isasailalim sa heightened alert status ang lahat ng paliparan na pinamamahalaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) simula Abril 2 hanggang 10, 2023, upang matiyak na ligtas, matiwasay, maaasahan at maginhawang paglalakbay sa himpapawid para sa mga pasahero kaugnay sa holiday rush.
Ayon kay CAAP spokeman Eric Apolonio, ito’y alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023, na naglalayong ilagay ang lahat ng mga hakbang sa kaligtasan at seguridad ng paliparan.
Lahat ng 12 Area Manager na humahawak sa lahat ng mga paliparan na pinapatakbo ng CAAP na may mga komersyal na flight sa buong bansa ay dapat tiyakin ang pagsunod sa pinakamataas na deployment ng mga tauhan ng serbisyo at seguridad. Samakatuwid, ipapatupad ang “no leave” policy sa buong panahon ng Oplan Biyaheng Ayos.
Ang CAAP, kasama ang mga lokal na awtoridad kabilang ang PNP-Aviation Security Unit (AVSEU), Office of Transportation Security (OTS), Department of Tourism (DOT), Civil Aeronautics Board (CAB), at mga airline, ay nagtrabaho sa koordinasyon para sa mahusay na pagproseso ng mga pasahero, lalo na sa mga check-in counter.
Hiniling ng CAAP ang karagdagang deployment ng mga tauhan mula sa mga stakeholder ng airline upang ma-accommodate ang pagdami ng mga biyahero. Ang mga Malasakit Help Desk at mga hotline na pinamamahalaan ng mga duty officer ay naka-set-up din upang matugunan ang mga alalahanin ng pasahero.
Pinapaalalahanan din ng CAAP ang lahat ng mga pasahero na sumunod sa mga minimum na protocol sa kalusugan sa loob ng mga nakapaloob na lugar ng paliparan.
Noong Abril 2021, ipinapakita ng datos na tinanggap ng mga paliparan ng CAAP ang 231,479 na mga pasahero habang noong Abril 2022 ay may kabuuang 1,715,720 na mga pasahero ang napagsilbihan ng mga paliparan ng CAAP.
Ngayong taon, inaasahan ng Awtoridad na aabot sa mahigit dalawang milyong manlalakbay ang travel surge. Inaasahan ng CAAP na ang pagbawi ng trapiko ng pasahero sa himpapawid sa Pilipinas sa mga darating na taon ay tataas sa pagitan ng 7-10% taun-taon habang patuloy na lumuluwag ang mga paghihigpit sa paglalakbay. JERRY S TAN
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO