Naghanda ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa epekto ng Bagyong Mawar at nakipag-koordinasyon din sa stakeholders.
Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, nag-anunsiyo ang Philippine Atmosphere, Geophysical, and Astromical Services Administration (PAGASA) na inaasahang tatama ang naturang bagyo sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon sa Biyernes o Sabado ng umaga, nakapaghanda ang mga airport tulad ng Tuguegarao Airport, Basco Airport, Itbayat Airport, Cauayan Airport, at Palanan para sa posibleng epekto ni Marwan.
Naghanda rin ang mga airport sa Laoag, Vigan, at Baguio.
Habang isinusulat ang balitang ito, sinabi ni Apolonio na tumulong din ang CAAP Tuguegarao Airport sa paghahatid ng 1000 kahon ng relief goods sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa pamamagitan ng C-130 aircraft mula Tuguegarao papunta sa Basco Airport bilang paghahanda sa paparating na bagyo.
“CAAP urges the public to stay informed, and are also advised to contact their respective airlines for updates on flight schedules and any changes that may arise due to the typhoon,” dagdag pa nito.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO