PATAY ang isang 32-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala makaraang putukan ng isang armadong lalaki ang rumespondeng mga pulis sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.
Si Ildefonso Vijar Jr., ay hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan habang ang suspek na kinilalang si Larry Caminoy, nasa hustong gulang ay nagawang makatakas dala ang ginamit na baril sa pagpatay.
Sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-10:30 ng gabi, isang certain Jaime De Jesus, Jr., 38, ang lumapit sa opisina ng Caloocan Police Station Intelligence Section at i-nireport si Caminoy matapos siyang tutukan ng baril sa hindi malaman na dahilan habang siya ay naglalakad sa kahabaan ng Abes Compound, Gen. San Miguel St., Brgy. 5, Sangandaan.
Kaagad pinarespondehan ni intelligence chief P/Maj. Rengie O Deimos sa kanyang mga tauhan ang nasabing lugar kasma si De Jesus subalit, pagpasok nila sa alley ng Abes Compound ay napansin ng suspek ang kanilang presensya kaya’t sinalubong nito ng putok ang mga pulis.
Agad namang nakapagtago ang mga pulis subalit, si Vijar na kabilang sa bystanders sa lugar ay tinamaan ng ligaw na bala sa katawan kaya’t humingi ng tulong ang mga parak sa mga barangay opisyal na nagsugod sa biktima sa naturang pagamutan.
Ipinag-utos na ni Caloocan police chief P/Col. Dario Menor sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa suspek habang patuloy naman ang follow-up investigasyon sa insidente.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD