
RODRIGUEZ, RIZAL — Dalawang indibidwal ang naaresto sa isang buy-bust operation ng Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez Municipal Police Station sa Brgy. San Isidro, dakong 8:40 ng gabi noong Hunyo 18, 2025. Halos P1 milyon ang halaga ng ilegal na droga at isang baril ang nakumpiska sa mga suspek.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Otto”, 35-anyos, residente ng Brgy. San Isidro at itinuturing na high-value individual/pusher; at alyas “Totoy”, 33-anyos, helper, residente rin ng nasabing lugar at tinuturing na street-level user
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon matapos ang masusing surveillance ng mga operatiba. Sa aktwal na transaksyon, nahuli ang mga suspek at nasamsam ang 8 pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 142 gramo at halagang Php 965,600 (Standard Drug Price), Php 1,000 buy-bust money, Digital weighing scale, Sling bag. 1 Magnum .22 “Black Widow” pistol (mula kay alyas Otto) at 4 piraso ng .22 caliber na bala
Kasalukuyang nasa custody ng Rodriguez Custodial Facility ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon sa mga otoridad, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng walang humpay na kampanya kontra droga at krimen sa lalawigan ng Rizal. Patuloy umano ang kanilang pagtutok sa mga high-value targets upang panatilihin ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
More Stories
Gumahasa sa PWD, arestado sa Antipolo
3 PATAY, 5 SUGATAN SA SALPUKAN NG KOTSE AT VAN SA TAGAYTAY
Pilipinas at Hong Kong, mas pinatibay ang ugnayan sa pamamagitan ng tax treaty negotiations