Lumago ang paggasta ng national government para sa imprastruktura at iba pang mga capital outlay sa P1.02 trilyon mula Enero hanggang Nobyembre 2023, kumpara sa P861.8 bilyon lamang noong parehong period noong 2022. Ang pinakabagong figure, batay sa ulat ng disbursement ng National Government (NG) para sa Nobyembre 2023, ay nangangahulugan ng pagtaas ng P159.8 bilyon o 18.5 porsyento sa paggasta para sa imprastruktura.”Government spending is vital to national growth. Thus, to help buttress robust economic growth, government agencies must continue to execute their programs and projects as authorized in the annual budget and deliver planned results in a timely manner,” pahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman.
Ayon sa Kalihim, malaki ang kaugnayan ng pagtaas sa imprastruktura at iba pang mga capital outlays sa disbursement na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga prayoridad na proyekto at capital outlays gaya ng konstruksyon, rehabilitasyon, renovation, repair, at pagpapabuti ng mga kalsada at tulay, pati na rin ang mga istraktura para sa flood control. Malaki rin aniya ang naging kontribusyon ng pagpapatupad ng iba’t ibang rail transport foreign-assisted projects ng Department of Transportation (DOTr) sa paglago ng infrastructure spending. Samantala, upang maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng imprastraktura sa pamamagitan ng Build, Better, More program, naglaan ng may kabuuang P1.510 trilyon para sa infrastructure outlays sa isinabatas na FY 2024 budget. Mas mataas aniya ito ng P180 milyon kumpara sa P1.330 trilyong halaga na inilaan para sa imprastraktura sa 2023 GAA.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund