December 25, 2024

Business permit renewal, pagbabayad ng buwis ng computer shops pinalawig sa Navotas

Business permit renewal, pagbabayad ng buwis ng computer shops pinalawig sa Navotas

Pinalawig ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga reshistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021.

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis ng walang karagdagang bayarin hanggang Pebrero 28, 2021.

Samantala, batay naman sa City Ordinance No. 2020-52, pinalawig ang renewal ng business permit at pagbabayad ng business tax ng computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang katulad na establisyemento hanggang sa payagan na silang muling mag-operate.

Lahat ng multa kabilang ang interes ay ipinawalang-bisa habang epektibo ang extension.

 “Businesses are still reeling from the impact of the COVID-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.

 “Keeping businesses alive means helping employees retain their source of income and be able to support their family. We will always strive to give as much assistance as we can to enable our people to thrive amid these challenging times,” dagdag ng alkalde.

Magugunitang nagbigay ng Navotas ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal na buwis at bayarin na nakatakda nang bayaraan o na-assess mula Setyembre 14, 2020 hanggang sa pagpapatupad ng City Ordinance 2020-45.