SINUSPINDE ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ngayong Lunes ang business permit ng kompanya na nagpapatakbo sa North Luzon Expressway (NLEX), matapos mabigong tugunan ng toll operator ang mabigat na trapiko sa siyudad dulot ng kanilang cashless payment system.
Nagalit si Gatchalian sa idinulot ng matinding trapiko sa kabahaan ng NLEX dahil sa nasabing bagong sistema gamit ang radio-frequency identification (RFID).
Dakong alas-5:28 ng gabi, nang personal na dalhin ni Gatchalian ang suspension order sa NLEX Corporation offices sa Valenzuela.
Habang suspendido ang business permit nito, hindi maaring mangkolekta ng bayad sa toll ang NLEX Corporation sa interchanges na matatagpuan sa Valenzuela City.
Ibig sabihin, maaring dumaan ang mga motorista sa NLEX nang walang binabayarang toll.
Matatandaan na una nang nagpadala ng liham si Gatchalian sa NLEX Corporation para bigyan ito ng ultimatum.
Subalit nabigo ang kompanya na mag-comply sa kondisyones ng lokal na pamahalaan. “The City Government will exercise its full power and authority and issue an executive order for your company to cease and desist from operation of your business,” ani ni Gatchalian.
Sinabi rin niya na kailangang humingi ng sorry ang NLEX Corporation sa publiko at ipatupad ang toll holiday dahil sa aberya sa RFID.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna