December 25, 2024

BUS, TRUCK PUWEDE NA ULIT SA SKYWAY

PAPAYAGAN na ulit dumaan sa Skyway ang mga public utility bus at closed van delivery trucks simula sa Abril 1.

Sa anunsyo ng Skyway O&M Corporation na subsidiary ng San Miguel Corporation, lahat ng Class 2 vehicles ay papayagang dumaan sa buong elevated Skyway system na binubuo ng Skyway 1, Skyway 2 at Skyway 3 matapos na makumpleto na ang konstruksyon sa mga ito.

Matatandaang pansamantalang ipinatigil ang pagpapadaan sa mga Class 2 vehicles sa Skyway dahil sa pagsasaayos ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Muntinlupa.

Ang Skyway Stage 1 ay nagdurugtong sa Buendia hanggang Bicutan, ang Stage 2 ay mula Bicutan hanggang Alabang at ang Stage 3 ay mula Balintawak hanggang Buendia.

Ang mga dedicated lanes para sa Class 2 vehicles ay nasa kahabaan ng Quezon Avenue, Main Plaza ng Sucat Area, Quirino Exit, Dr. A. Santos, Dona Doledad, Buendia, Del Monte, G. Araneta northbound entry, Nagtahan at NAIA Expressway.

“With the reopening of the Skyway to public buses and select transport trucks, we’re hopeful that many of our countrymen from both north and south can benefit from the convenience provided by the entire Skyway system,” saad ni SMC President Ramon Ang sa kanyang emailed statement.

“This is an option for commuters as well as public transport services, who would like to have a faster, more direct, or even point-to-point access to their destinations. This will also help to further decongest our public roads, given that we are now back to pre-pandemic levels of traffic,” dagdag niya.

Samantala, bawal pa rin sa elevated ramps ang mga modified four- o six-wheeler at closed delivery vans para sa kadahilanang pagkaligtasan, habang mahigpit ding ipinatutupad ang 60-kilometer-per-hour speed.

Dapat ding tiyakin ng mga sasakyan na may laman ang kanilang mfa Autosweep RFID dahil kung kulang o walang load, sa at-grade section sila padadaanin.