December 23, 2024

BUREAU OF IMMIGRATION NAGLABAS NG PAGLILINAW SA PAGDAGSA NG MGA CHINESE STUDENT SA BANSA

HINDI lamang sa Pilipinas dumaragsa ang mga estudyanteng Chinese, ito ang paglilinaw ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa lingguhang forum na Kapihan sa Manila Bay

Ayon kay Sandoval, hindi lamang sa Pilipinas nagtutungo ang mga Chinese student kundi maging sa mga bansa sa Asya at sa America.

Kung titingnan  ay mas kaunti pa ang mga estudyanteng Chinese sa bansa kumpara sa America na nasa 200,000 Chinese students.

Sinabi ni Sandoval na karamihan sa mga Chinese students ay kumukuha ng master’s at doctor’s degree, at sumasailalim sila sa blended learning, nagpupunta lamang aniya sila sa Pilipinas kung magsa-submit ng thesis o research.

Kumpleto rin aniya ang mga dokumento at papeles ng mga nasabing Chinese students.

Sa kasalukuyan ay mayroon lamang aniyang 16,000 na Chinese student sa bansa, 9,000 aniya rito ay nagkalat sa mga malaking eskuwelahan sa Metro Manila, mayroon din aniya sa Jose Rizal University.

Binanggit din ni Sandoval na hindi lamang mga Chinese ang nagtutungo sa Pilipinas kundi maging ang iba pang national gaya ng Pakistani na nag-aaral sa Southern Luzon at sa Mindanao. Ayon pa kay Sandoval ang pagtungo ng mga foreign student sa bansa ay resulta na rin aniya ng promosyon sa Pilipinas bilang education hub sa Asya.