APEKTADO ng malawakang computer outage ang airlines, TV broadcasting, telecommunications at mga bangko sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas.
Sinabi naman ng Cybersecurity firm na CrowdStrike na ang pinaniniwalaang nasa likod ng outage ay hindi isang insidente sa seguridad o cyberattack kundi isang software update.
Sinabi ng CrowdStrike CEO na si George Kurtz na ang isyu ay “hindi isang insidente sa seguridad o cyberattack” ngunit isang “depekto” sa isang update content para sa host ng Windows.
Hindi naman aniya apektado rito ang Mac at Linux hosts.
Ang “Falcon Sensor” software ang nakitang dahilan ng pag-crash ng Windows at paglabas ng blue screen.
Marami ang naapektuhan nito kung saan ilang airlines at tigil operasyon habang ang ilan ay gumamit ng handwritten tickets at cash only payment.
Ayon sa CrowdStrike naideploy na ang update fix para rito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA