Magkahalong emosyon ang naramdaman ng mga pulis makaraang manganak ang isang babae sa kanilang mismong patrol car matapos maaresto sa ilegal na sugal sa Purok 2, Brgy. Bayawak, President Quirino, Sultan Kudarat.
Ayon kay P / Executive master Sargeant Edgat Galande Mespo ng President Quirino Municipal Police Station, habang nasa kustodiya ng ng mga awtoridad ay nakiusap itong magsi-CR dahil sa biglang pagsakit ng kanyang tiyan.
Aminado naman ang buntis na manganganak anumang araw ngayong buwan.
Dahil sa matinding pananakit ng tiyan, mabilis siyang ibinalik sa patrol car upang dalhin sa ospital ngunit inabutan na ito ng panganganak habang nasa biyahe pa lamang. Isang malusog na babaeng sanggol ang kanyang isinilang.
Gayunpaman na sa kabila ng pangyayaring ito, ay hindi pa rin mapapawalang sala ang buntis na hindi pinangalanan, dahil mahaharap pa rin siya sa kasong illegal gambling.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI