Ang mga sinungaling nanganganak. Ang mga pulitiko at na nag aalaga ng mga sinungaling nagkakasakit naman. Ito ang trending.
Ginagamit ng mga mandarambong ang pagkakasakit at pagiging lumpo sa kasagsagan ng paglilitis hinggil sa katiwalian na sangkot sila.
Gaya na lamang ni Krizle Mago na bumaligtad at binawi ang lahat ng kanyang isinalaysay sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y substandard na face shield na dineliver ng Pharmally at napilitan lang daw magsalita ng hindi totoo dahil na-pressure.
Hindi kaya na-pressure sa pagsisinungaling itong si Mago? Makaraan ang ilang beses na pag-amin nito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon bigla itong nawala at hindi na matawagan ng Senado. Masyadong predictable. Alam na alam na ang mangyayari.
Kahalintulad lamang ito ng lahat ng pandinig sa Senado at Kongreso na kapag na-pressure ang witness bumabaligtad ang mga ito lalo na kung ang pressure ay may halong pananakot.
Matapos magtago at hindi mahagilap ng Senado, muling nagpakita si Mago sa publiko. Pinaunlakan nito ang pagdinig ng kongreso hinggil sa maanomalyang Pharmally. Binawi ang lahat ng inilantad na kalokohan ng Pharmally.
Sanay na nga ba tayo mga Cabalen, sa kasinungalingan. Sinanany na nga ba tayo na igisa sa sarili nating mantika? O ‘di kaya nasanay na din sa pagiging bulag, pipi at bingi?
Ngayon eleksiyon na naman, gagamitin na naman tayo para sila’y makaupo, pagkatapos ano? Dusa na naman at maghihintay sa wala dahil sila lamang ang nagpapasasa.
Ayon sa pag-aaral, tayo daw pong mga Filipino ang pinaka bobong botante. Dahil kahit pauli-ulit po tayong walanghiyain ng mga iniluluklok natin patuloy pa rin tayong naniniwala sa pangakong napapako. Kahit pa ito’y pagdurusa ang resulta.
o0o
Ang pandemiya na naging resulta sa pagka-paralisa ng ekonomiya at nagpadagdag sa kahirapan ng bawat isa
Pero sa kabila ng pandemiya at sinasabing matinding hawaan ng delta variant bago pa dumating ang panahon ng kampanya, tuloy ang eleksiyon at kamapanya. Nagwawala ang pera ng mga gustong pumuwesto, gustong makawala.
Amoy na amoy ang eleksiyon. Ang deklarasyon ng pamahalaan humina daw ang lakas ng delta at hindi na ganoon kabilis ang pagkalat at hawaan nito.
Dahil ba eleksiyon. Tayo po ay patuloy na pinapaikot ng mga mapagsamanatalang nasa gobyerno. Gaya din ba ng face shield na binili ng bilyon gamit ang kaban, tapos ibinenta muli sa publiko. May ipinamigay ba? Dahil sa sobrang supply, ibinenta ng mura. Kaya bumuhos sa merkado. Ang galling-galing. Kawawang Pinoy.
Sa halip na higpitan ang level ng quarantine, niluwagan pa mula ECQ na naging GCQ may level na idinugtong para hindi halata na minamaniobra ang galaw nating lahat. Tapos nabawasan ang mga nagkasakit ng COVID-19?
Kayo na ang humusga, mga Cabalen.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA