
Binuhat ni Kemba Walker ang New York Knicks sa panalo nito sa Chicago Bulls, 104-103. Bumuslo siya ng 21 points, 4 boards at 2 assists. Kumana naman si RJ Barrett ng 20 points at 3 rebounds.
Gumawa naman si Julius Randle ng 13 points, 16 boards at 9 assists. Rumatsada naman parasa Bulls si Zach LaVine ng 25 points. Kasama rito ang 6 boards at 3 assists. Habang si Nikola Vucevic naman ay kumana ng 22 points. Si DeMar DeRozan naman ay nag-ambag ng 20 points at 5 assists.
Pinulutan naman ng Memphiz Grizzlies ang undefeated Golden State Warriors sa overtime, 104-101. Binuhat ni Jah Morant ang kanyang team sa pagkana ng 3o points. Gayundin ng 7 boards, 5 ast at 4 stl.
Sa panig naman ng Golden State, bumanat si Stephen Curry ng 36 points. Kasama na rito ang 8 assists at 7 boards. Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 16 points at 4 rebounds. Habang si Draymound Green naman ang gumawa ng 4 points, 12 boards at 7 assists.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo