BATANGAS – Itinaas na ng Philvolcs sa alert level 3 o magmatic unrest sa dati nitong kalagayan na alert level 2 o increasing unrest matapos itong magbuga ng maitim at makapal na usok na tinatawag din na phreato magmatic plume main crater dakong 3:16 ng hapon ngayong araw na tumagal ng limang minuto.
Umabot sa isang kilometro ang taas ng makapal na usok ng nasabing bulkan at wala naman naganap na paglindol.
Sinabi naman ng DOST-Philvolcs na dahil nakataas na sa alert level 3 ang bulkan na ang ibig sabihin ay meron na itong magmatic intrusions sa main crater o bunganga ng bulkan na maaring magkaroon ng magkakasunod na pagsabog.
Inirekomenda na ng Philvocs ang paglikas sa mga high risk na barangay sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa posibleng mapanganib na pyroclastic density currents at volcanic tsunami.
Pinaalalahanan din ang publiko na ang buong Volcano Island ay idineklarang Permanent Danger Zone (PDZ) at ipinagbabawal na din ang pagpasok dito gayun din sa mga high-risk barangay ng mga nasabing bayan at pinagdodoble ingat din ang mga ito.
Ayon pa sa ahensya, kailangan sumunod sa mga precautionary measures sa mga posibleng lake water disturbances ang mga residenteng malapit sa Taal Lake shore dahil sa nangyayaring pag-aalburoto ng bulkan. (KOI LAURA)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna