
PINABULAANAN ni Senator Christopher Go ang kumakalat na balita online na pumanaw na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nitong nakalipas nga na araw kumalat ang mga video na naglalaman ng gawa-gawang kwento kaugnay sa umano’y pagpanaw ng dating pangulo na nakaalarma naman sa ilang netizen.
Subalit sa inilabas na video ni Sen. Go na nagsilbing special assistant ng dating Pangulo, sinabi nitong buhay na buhay at malakas pa ang dating presidente.
Makikita din sa video na kasama ng Senador ang dating Pangulo na kasalukuyang nasa kaniyang bahay na nagrerelax matapos ngang magretiro na ito mula sa politika.
Sinabi din ng dating Pangulo na matanda na siya at hindi maiiwasang magkasakit.
Si Duterte ay 79 anyos na ngayong taon at ang pinakamatanda na naging pangulo ng Pilipinas noong siya ay 71 anyos.
Samantala,mpinayuhan naman ng Senador ang mga Pilipino na mag-ingat sa fake news.
More Stories
Toby Tiangco, tinawag na ‘big loser’ ni Barry Gutierrez sa palpak na kampanya ng Alyansa
Marcos hinihikayat ang bayan na magkaisa at ituon ang pansin sa pag-unlad pagkatapos ng midterm elections
Walang ‘bloodbath’ sa impeachment trial ni VP Sara Duterte — Leila De Lima