Lumilitaw na 6 sa 10 katao o 57% ng Filipino adults ang naniniwala na lumala ang kalagayan ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Martes.
Sa survey na ginawa noong September 2021, sinabi ng SWS na 29 na porsiyento ng mga tinanong ang nagsabing hindi nagbago ang lagay ng kanilang pamumuhay, at 13 porsiyento naman ang nagsabing bumuti ang kanilang buhay.
Ang net gainers score ngayong Setyembre ay bumaba sa -44 mula sa -31 score noong June 2021. Tinawag ng SWS na “extremely low” ang net gainers score ngayong Septembre.
Sa metropolis, “catastrophic” ang net gainers score na -51 ngayong Setyembre kumpara sa -30 noong June 2021.
Nasa “extremely low” naman ang Mindanao na nasa -47 ngayong September, kumapara sa -31 noong June.
Sa Balance Luzon, -41 net gainers score sa September mula sa – 27 noong June. Habang mula sa -40 noong June ay naging -46 sa Visayas.
Ginawa ang survey mula September 12 hanggang September 16, na ginamitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipinos na edad 18 pataas.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT