
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 46-anyos na driver dahil sa depresyon makaraang sampahan ng kasong Estafa sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.
Nadiskubre ng kanyang live-in partner na si Larnie Bernal, 34, ang nakabigti na katawan ng biktima sa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa No. 41 Del Rosario St. Merville Subdivision, Brgy. Dampalit gamit ang isang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg habang ang dulo ay nakatali sa beam ng kisame.
Kaagad kinalas ni Bernal ang kanyang live-in partner at humingi ng tulong sa mga barangay opisyal bago inireport ang insidente sa pulisya.
Sa pahayag ni Bernal, dumaranas ang biktima ng depresyon matapos itong sampahan ng kasong Estafa dahil sa hindi umano nabayaran na utang.
Dagdag niya, isang linggo na ang nakalipas ay sinabihan siya ng kanyang live-in partner na alagaan ang kanilang mga anak na tila nagpapahiwatig ng huli niyang pamamaalam. Ani pulisya, nag-executed ng isang waiver ng autopsy examination ang pamilya ng biktima dahil naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.
More Stories
Bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho; 6 sugatan
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City