KAHANDAAN ng Philippine weightlifting team sa darating na Southeast Asian Games sa Cambodia, gayundin ang posibleng mga bagong batas na magagamit para sa seguridad at kaunlaran ng lPinoy ang mga isyu na sasagutin sa paglarga ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Pebrero 9) ganap na 10:30 ng umaga sa PSC Executive Lounge sa Rizal Memorial Sports Complex.
Mga posibleng amyenda o bagong panukalang batas na magbibigay ng mga karagdagang insentibo sa mga atleta ang sentro ng talakayan sa pagbisita ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Behrouz Persian Cuisine.
Ang two-time Olympian at Southeast Asian Games swimming record holder ang tanging atletang Pinoy na nakapaglingkod din bilang Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB). Nailuklok sa Philippine Sports Hall-of-Fame at founder din ng Congress in Philippine Aquatics, Inc. (COPA).
Inaasahan namang maibibigay ni dating Bacolod Cong. Monico Puentevella, pangulo ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP), sa progreso ng pagsasanay ng pambansang kopona sa pangunguna ni Olympic champion Hidilyn Diaz.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro, opisyal at sports apisyunado na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang Sports group page sa facebook at sa channel 8 at 45 ng Pinoy Ako (PIKO) mobile aps.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA