Iginugol ng isang Buddhist monk sa Shanghai, China ang halos kalahati ng kanyang buhay sa pag-aalaga ng mga stray dogs. Katunayan, lagpas na sa libong aso ang kanyang kinupkop sa nakalipas na 27 taon.
Nagsimula ito noong taong 1994 nang gawin ng 53-anyos na si Zhixiang ang ganitong kawanggawa. Siya ay isang monk sa Bao’en Temple sa Shanghai.
Nagrerenta pa siya ng shelter para lang doon alagaan ang mga hayop.
“So in 2019, I rented this shelter in Dagang, Pudong, where they would let me keep animals. It’s 9,000 square meters; rent is about 1,570,000RMB a month. I have seven people working there. We go through one ton of dog food every day.”
“There are about 5,000 dogs and it costs three RMB to feed a dog for a day. You do the math, you figure out how much it costs,” aniya.
Mula nang kupkupin niya ang nasagasaan na pusa ng isang kotse, doon na nagsimula ang lahat. Hindi namatay ang sinagasaang pusa. Pero malubha ang lagay at naawa siya rito.
Kinukuha niya rin ang mga patay na mga pusa sa kalye at inililibing. Ang mga buhay ay kanyang dinadala sa temple at inaalagaan. Dinadala niya rin ang mga ito sa beterinaryo upang ipagamot.
Ang kanyang mga disipulo ay nag-aalaga ng nasa 8,000 asong gala. Bukod pa rito ang mga rescued animals ghaya ng pusa, manok, gansa at peacocks.
Nasa daan-daang pusa na rin ang inaalagaan niya. Sa nakalipas na mga taon, natuto siyang gumawa ng gamot para iturok sa mga hayop na inaalagaan.
Nangagaling sa mga donasyon ang perang pambili ng pagkain sa mga inaalagaang hayop. Lalo na sa mga animal lovers. Nagsimula lamang siyang tumanggap ng donasyong pera noong 2017. Pero nung una ay hindi siya tumatanggap ng mga ito.
“I didn’t accept a donation until January 15, 2017. Until then, when people wanted to make a donation, I said no, the animals don’t need money, they just need food to eat — you can help by donating supplies,” ani Zhixiang sa Smart Shainghai.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna