MALUGOD na nagsilbi bilang venue host ang Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagpapatuloy ng 46th Southeast Asian Shooting Association (SEASA) 2024 event, isang mahalagang pagtitipon kung saan ipapakita ang talent ng 50 shooters na kumakatawan sa iba’t ibang bansa sa buong South East Asia.
Ang kompetisyon ngayong taon ay nagpapakita hindi lamang ng kahanga-hangang pisikal na kakayahan ng mga kalahok kundi pati na rin ang kahalagahan ng sportsmanship at pagkakaibigan sa rehiyon.
Dumalo sa opening ceremony na ginanap nitong Martes (mula kaliwa pakanan) ay ang mga mahahalagang personalidad, na kinabibilangan nina Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na siyang nag-welcome sa mga guests at participant, Veneranda “Irene” Garcia, Secretary General ng Philippine Sports Commission – Philippine National Shooting Association (PSC-PNSA), Rep. Faustino Michael Carlos Dy, President ng PNSA, at Richard Bachman, Chairman ng PSC.
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI