NAGSAGAWA ang Bureau of Corrections ng seminar workshop tungkol sa Republic Act 10592, na karaniwang tinutukoy bilang Good Conduct Time Allowance upang maghanda para sa pagpapatupad ng mga binagong implementing rules at regulations nito.
Nagbigay si Justice Undersecretary Margarita Gutierrez ng welcome remarks sa nasabing seminar, kung saan sinabi nito na ito ay sumasalim sa hindi matitinag na commitment ng departamento sa ilalim ng leadership ni Justrice Secretary Crispin “Boying” Remulla na maghatid ng compassionate at restorative justice para sa person deprtived of liberty (PDL).
“This is the moment when the DOJ, in close collaboration with the Bureau of Corrections, is not only refining laws but also bringing life into them. The revised GCTA IRR is a beacon of hope that offers a structured opportunity for the PDLs to reclaim their dignity, renew their purpose, and rebuild their lives,” ani Gutierrez.
Idinagdag niya na ang GCTA, ay hindi lamang isang patakaran o isang procedural framework. Ito ay isang pagkakataon para sa pagbabago, isang pagkakataon para sa pag-unlad at isang pagkakataon para sa muling pagsasama na may buong pagkilala sa dignidad ng tao na hindi dapat mawala anuman ang mga nakaraang aksyon.
“You may have the power to change the time for someone who may have believed that their future was already written,” dagdag ni Gutierrez.
“Our work here contributes to a restorative justice that doesn’t just punish but also heals, with the understanding that we are building something bigger; we are helping create a society where justice is not simply enforced but also experienced—a society where every individual, no matter what their past, is given an opportunity to reclaim their future” dagdag niya.
Sa kanyang bahagi, hinikayat ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa mga dumalo na gawin ang lahat upang ipaalam at tulungan ang mga PDL tungkol sa kanilang GCTA.
Binibigyang-diin ni Catapang ang kahalagahan ng pagpapakilala at pag-e-educate sa mga kawani at PDLs tungkol sa GCTA.
Hinimok niya ang mga dumalo na aktibong makilahok sa mga seminar na ito, kinikilala na ang mas malalim na pag-unawa sa GCTA ay maaaring makabuluhang makaapekto sa buhay ng mga PDL sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng allowance na ito.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
Bahay pinasok ng mga magnanakaw; P1.5 alahas, pera at gadgets nilimas sa Batangas