November 10, 2024

BuCor magsasagawa ng mga aktibidad para sa kanilang ika-119 Founding Anniversary

SISIMULAN na ng Bureau of Correction bukas ang kanilang weeklong celebration ng ika-119 Founding Anniversary kung saan magkakaroon ito ng iba’t ibang aktibidad na nakatakda upang gunitain ang mahalagang okasyon.

Sa temang “Correctional Advancement and Excellence: Celebrating Bucor’s legacy and future,” uumpisahan ang seremonya sa malawakang promosyon ng 300 dedicated personnel, samantalang 138 uniformed at 19 civilian personal ang manunumpa sa kanilang tungkulin, ayon kay Bucor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Kabilang sa inilatag na programa para sa isang linggong event ay ang bazaar exhibit, Zumba dance competition, mini Olympic Games, medical completion, graduation of correction officers candidate course class 2024-01, Donning of Ranks for Commissioned Officers at ang huling aktibidad.

Pinasalamatan din ni Catapang ang Presidential Commission for Urban Poor (PCUP), sa pangunguna ni Chairman and Chief Executive Officer Meynardo Sabili, para sa alok nitong legal aid sa 100 individuals deprived of liberty (PDLs) sa Minimum Security Camp ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nang bumisita sila nitong nakaraan.



Ang Legal Assistance Event ay bahagi ng pakikilahok ng PCUP sa pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng (BuCor) ngayong linggo.

Tiniyak ni Sabili sa Bucor na patuloy nilang susuportahan ang ahensiya sa reintegrating released ng mga PDL sa pamamagitan ng livelihood programs at nag-request sa BuCor na magbigay ng profiles ng mga PDLS na malapit nang lumaya para sa relocation assistance.