
PINIRMAHAN na ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang kasunduan sa pagitan ng BP One Foods Inc. na naglalaan ng trabaho para sa mga bagong laya na Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon kay Catapang, layon nitong maging maayos ang pagbabalik sa lipunan ng mga PDL at mabawasan ang tiyansa na bumalik sa dating gawi ang mga ito.
Binigyang-diin din ng naturang opisyal na ang kanilang pagpirma ni BP One Foods Inc. President Antonio Sebastian Escalante ay isa sa mga highlight ng selebrasyon ng BuCor para sa National Correctional Consciousness Week.
Layon naman ng BP One Foods Inc., na palawakin pa ang brand nito sa Metro at magbigay ng dekalidad na produkto habang nakakapagbigay ng competitive job opportunities at compensation.
More Stories
Villar Sinimulan ang Kanyang Congressional Bid sa Pamamagitan ng Misa
2 HVIs drug suspects, tiklo sa P1.3M shabu sa Caloocan
Sulong sa panibagong Las Piñas!