NAGPAHAYAG ng buong suporta ang Bureau of Corrections (BuCor) sa Public Attorney’s Office (PAO) at maging sa attached agency ng Department of Justice sa kanilang patuloy na pagbibigay ng legal aid at assistance, medical, dental at optical sa mga PDL, gayundin ang programa para mabawasan ang overcrowding sa Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Inatasan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr, si New Bilibid Prison Acting Superintendent Roger Boncales na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga makikibahagi sa programa na pangungunahan ni PAO Chief, Atty. Persia Acosta na naka-schedule kahapon, sa Nobyembre 19 at Disyembre 9.
Ang kolabrasyon ng dalawang ahensiya ay nagpapakita ng kanilang commitment sa pagtulong sa mga PDL at sa pagpapabuti ng mga kondisyon sa mga kulungan.
“The scheduled visits of PAO underscore the ongoing efforts of PAO to address the challenges faced by PDL. These visits serve as opportunities to engage with the inmates, assess their legal and medical needs, and provide necessary assistance to alleviate their circumstances,” ayon kay Catapang.
“By addressing overcrowding issues and providing legal aid and medical services, PAO contributes to promoting a more rehabilitative and humane environment for PDL,” dagdag niya.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?