December 25, 2024

BSP Governor Benjamin Diokno, kinilala bilang ‘Global Central Banker of the Year’

Itinanghal si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Diokno bilang ‘Global Central Banker of the Year 2022’ ng isang international banking magazine na pagmamay-ari ng Financial Times, ayon sa BSP

Kinilala ng The Banker – isang influential international monthly banking, finance, and business magazine – si Diokno bilang best central banker sa buong mundo dahil sa kanyang pagsisikap para pagsiglahin ang ekonomiya at paglago ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19.

“I am truly honored to be named The Banker’s Global Central Banker of the Year. This award recognizes the effort we at the BSP have put forth over this past year— amid extraordinary challenges,” wika ni Diokno.

Ang pagkilala kay Diokno bilang central banker sa buong mundo ng The Banker ay kauna-unahang parangal na nakuha ng Pilipinas simula nang maitatag ang grupo noong 1926.

Bukod sa award mula sa The Banker, kinilala rin si Diokno bilang “Asia-Pacific Central Banker of the Year 2022.”

“While the entire world has been affected by the pandemic, the BSP has implemented policy responses to enable the Philippines to adapt to new ways of working, doing business, and living. Looking ahead, alongside my colleagues at the BSP, I will continue to work toward a stronger, more technologically savvy, more inclusive, and more sustainable Philippine economy,” saad ni Diokno.