
Hindi pinaporma ni Brooklyn Nets ang Boston Celtics sa Game 2 ng Eastern Conference playoff series. Pinilay ng Nets ang Celtics sa blow-out win sa iskor na 130-108.
Kaya naman, lamang na sa 2-0 sa series ang Nets. Binuhat ni Kevin Durant ang Brooklyn sa pagbuslo ng 26 points. Nag-ambag din siya ng 8 boards, 5 assists at 4 blocks.
Naglista naman si Joe Harris ng 25 points, 4 rebs, 3 ast at 2 steals. Si James Harden naman ay nag-ambag ng 20 points, 7 assists at 5 boards.
Habang si Kyrie Irving ay nagtala ng 15 points, 6 boards at 6 assists. Mula sa umpisa ng Game 2 ay iniwan na ng Brooklyn ang Boston. At hindi na pinalapit pa kahit nagtangka pa ang Celtics na humabol.
Idaraos naman ang Game 3 sa balwarte ng Celtics at tatangkain na makabawi sa serye sa Biyernes.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT