
Nakaabanse ng 3-2 lead sa series ang Brooklyn Nets sa Milwaukee Bucks sa Game 5 ng East semifinals. Kinatay ng Nets ang Bucks sa iskor na 114-108 sa isang close game.
Nakatakas ang Nets sa hamon ng Bucks sa kabila na wala sa laro sina Kyrie Irving at James Harden.
Bumanat si Kevin Durant ng triple-double upang pangunahan ang panalo ng Nets. Bumuslo si Durant ng 49 points, 17 boards at 10 assists.
Nag-ambag naman si Jeff Green ng 27 points at 3 assists. Kumana naman si Blake Griffin ng 17 points at 3 rebounds.
Sa panig naman ng Bucks, bumira si Giannis Antetokounmpo ng 23 points, 12 boards at 4 assists. Tumulong naman si Kate Middleton sa pagbira ng 25 points, 4 boards at 5 assists.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo