
Magtutuos sina Brock Lesnar at Bobby Lashley, hindi sa octagon. Kundi sa wrestling ring ng WWE. Ito’y matapos magwagi ni Lashley sa Fatal-4-Way match sa WWE Raw. Kaya, natupad ang inaasam ng fans na magtapat sila ng one-on-one.
Magaganap ito sa annual ‘Royal Rumble’ sa January 29, 2022. Noong nasa UFC pa si Lesnar at nasa MMA si Lashley, sila nagsagupa. Kaya, ito na ang pagkakataon ng fans na makita silang nagkakaldagan sa lona.
Kasalukuyang WWE Champion si Lesnar matapos manalo sa ‘Day 1’ pay-per-view-event noong January 1, 2022. Nakuha nito ang title belt kay ‘New Day’ member Big E. Langston. Kung saan, katunggali ang iba pang WWR superstar gaya ni Seth Rollins at Kevin Owens.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!