
Naghain na ng Certificate of Candidacy ngayong Oktubre 7 ang broadcaster na si Gani Oro para tumakbo sa pagka-konsehal ng ika-5 distrito ng Lungsod Quezon sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.
Ang batikang mediaman na si Oro ay nakilala dahil sa kanyang public service program sa radyo at telebisyon sa loob ng mahigit tatlong dekada.
Tumatak sa tao ang kayang pangalan dahil sa kanyang mabilis na pag-aksyon sa mga problema at reklamo na idinudulog sa kanyang programang ‘Aksyon Oro Mismo.’
Naging brodkaster si Gani Oro sa ilang giant networks kagaya ng ABS-CBN, GMA-7, TV-5 at PTV-4. Minarapat ni Oro na paglingkuran naman ang kanyang mga ka-distrito sa Novaliches at Fairview area para makapaghatid ng #BilisKilos na serbisyo para makaahon sila mula sa epekto ng pandemya.
Kapag si Oro ay nahalal na konsehal, makakaasa tayo ng kanyang agad-agad na “Serbisyo Oro Mismo!”
More Stories
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS