Bibigyan ng puwesto si evangelist Eddie Villanueva bilang anti-corruption czar sakaling palaring manalo si Senator Manny Pacuqiao na susunod na pangulo ng bansa.
“If God wills that I [will be] president of our nation, I would appoint Congressman Eddie Villanueva, better known as Brother Eddie Villanueva as corruption czar,” ayon sa senador.
“With Brother Eddie, I am confident that justice can finally be attained against the corrupt officials of government – past and present,” dagdag niya.
Isa sa mga pangunahing pangako ng kampanya ni Pacquiao ay ang alisin sa gobyerno ang katiwalian, na isinisisi niya sa malawakang kahirapan at pagdaoa sa paglago ng ekonomiya. Muli niyang iginiit na ang katiwalian sa gobyerno ay isa sa pinakamalaking problema ng bansa.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna