KUNG mayroon mang sport discipline sa Pilipinas na dapat suportahan ng kinauukulan mula gobyerno o pribadong sektor man,ito ay ang larangan ng archery ayon kay businessman/patron / sportsman Christian Tan.
Bukod sa basketball, volleyball at boxing na mga walang dudang paborïtong pastime ng mga Pinoy,nariyan din ang billiards,weightlifting,table tennis,badminton,chess,gymnastics,archery at iba pa na di naman kailangan ang height and heft ay tunay na nangangailangan ng suporta at agapay upang mas malaki ang tsansa nating makakamit na karangalan pagdating sa international na kumpetisyon.
“Panahon na para pag-ukulan ng atensiyon ng kinauukulan ang ibang laràngan tulad ng archery.Ngayon ko nasaksihan na marami pala tayong mga potensiyal na archers na need lang ma-develop o madiskubre. It’s a sport that Filipnos can excel in international competition.Kaya ako,sa abot ng makakaya ay committed na suportahan ito,”ani pa Tan sa panayam sa pagbubukas ng 1st Phìlippine University Archery League( PUAL) Championship sa Polytechnic University of the Philippines(PUP) oval sa StaMesa,Manila nitong nakaraang weekend. Si Tan din ang vice president emeritus ng nag-organisang Federation of Schoòl Sports Association of the Philippines ( FESSAP).
Miyembro ng PUAL working committee sina Robert Milton Calo,Cecille Sarmiento,Loren Balaoing,Allan Soria,Albert Andaya,Jr.,Romulo Raytos ,Kyrille Kate Delima at John Fred dela Torre.
Ikinagalak din ni Tan ang pagpartisipa sa PUAL tilt ng archery powerhouse University of the Philippines at ang pagpapakitang gilas sa torneo ng host PUP archery team kasabay ng pasasalamat kay PUP president Dr.Manuel Muhi,athletic Director Prof. Romulo Hubbard,FESSAP pres.Edwin Fabrò at Chairman of the Board Arvin Tai Lian.
Ang naturang torneo ay magsisilbing national qualifying para sa 32nd World University Games sa Germany sa susunod na taon.
Buong kagalakan ding inilahad ni Tan na may nakausap na siyang mga opisyal ng archery sa South Korea na handa silang mag- share ng modernong inobasyon sa archery sa Ph archers at mag- extend ng imbitasyong mag-ensayo at magpartisipa sa kanilang torneo bilang preparasyon sa Universiade sa Germany. (DANNY SIMON)
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest