January 24, 2025

BREASTFEEDING OLYMPIANS, PINAYAGAN NG IOC NA DALHIN ANG ANAK SA TOKYO OLYMPICS

TORONTO (AP) — Pinayagan si Canadian basketball player Kim Gaucher na dalhin ang kanyang anak sa Tokyo Olympics. Nagpapa-breastfeeding kasi siya sa kanyang baby girl.

Inanunsiyo ng International Olympic Committee (IOC) na papayagan ang mga nursing mothers na dalhin ang kanilang mga baby sa olympics. Ito’y bunsod ng panawagan ni Gaucher sa Instagram na madala niya ang 3-month old na anak sa olympics.

Ayon sa 37-anyos na basketeer mula sa Mission, British Columbia, pinuwersa siya nung una mamili. Magdedesisyon aniya siyang umatras sa olympics. O gugulin ang 28 araw sa Tokyo nang wala ang kanyang anak?

Pero, nagbago ang isip ng pamunuan ng IOC matapos magpost ng emotional plea si Gaucher sa Instagram.

We very much welcome the fact that so many mothers are able to continue to compete at the highest level, including at the Olympic Games,” ani ng IOC sa isang statement.

We are very pleased to hear that the Tokyo 2020 Organizing Committee has found a special solution regarding the entry to Japan for mothers who are breastfeeding and their young children,” dugtong ng ahensiya.