January 23, 2025

BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 58,850

NADAGDAGAN pa nang mahigit 1,300 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 15), umabot na sa 58,850 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 36,260 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,392 na bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 512 ang “fresh cases” habang 880 ang “late cases.”

Nasa 11 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,614 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 517 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 20,976 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.