UMAKYAT sa kabuang bilang na 72,269 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,594 na panibagong impeksyon.
Sa pinakabagong datos ng DOH ngayong Miyekules sa nasabing bilang, 46,803 ang aktibong kaso.
Sa mga bagong inihayag na kaso, 971 ang naitala sa National Capital Region, 252 sa Cebu, 53 sa Zamboanga del Sur, 35 sa Negros Occidental, at 26 sa lalawigan ng Rizal.
Samantala, nakapagtala ang DOH na 342 ang gumaling, kaya 23,623 ang kabuuan ng nakarekober sa sakit.
Anim naman ang karagdagang namatay, kaya umabot na sa kabuang bilang na 1,843 ang nasawi sa bansa
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE