NASABAT ang mga branded sneaker na kinabibilangan ng Nike, Adidas, Converse, Crocs, Jordan, Onitsuka Tiger, Vans, Havaianas, Birkenstock, Anello, Lacoste at Disney sa storage unit sa Pasay City matapos ang matagumpay na operasyon ng isang joint inspection na pinangunahan ng Bureau of Customs – Intelligence and Investigation Service – Intellectual Property Right Division (BOC-CIIS-IPRD) at Port of Manila (POM-CIIS), at suporta ng Armed Forces of the Philippines.
Natukoy sa ginawang inspeksyon ang mga produkto bilang peke, na nagpatunay na paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act o (CMTA) at Republic Act No. 8293, o Intellectual Property Code of the Philippines at isinagawa alinsunod sa pangako ng BOC na mahigpit na ipatupad ang mga batas at regulasyon ng customs.
Nasamsam ng BOC ang malaking halaga ng mga produkto na lumabag sa Intellectual Property Rights (IPR) matapis ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention ni POM District Collector Alexander Gerard Alviar noong Disyembre 4, 2024. Ang mga produkto ay may probable cause para sa paglabag sa breaching intellectual property rights at Section 225 at 1113 ng CMTA. Binibigyang-diin ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang pangako ng ahensya sa pambansang seguridad at integridad ng kalakalan, na nagsasabing, “this operation demonstrates our continuous efforts to enforce customs regulations and protect the intellectual property rights of legitimate brands and businesses. Our dedication will not falter; we will persist in implementing strict measures to ensure that only authentic and compliant products are available in our markets.”
Sa kanyang commitment na ipatupad ang batas at pangalagaan ang interest ng mga Filipino, sinabi ni Rubio itutuloy ang pagpapataw ng kasong kriminal laban sa mga indibidwal na sangkot sa pag-smuggle ng mga pekeng produkto, alinsunod sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, at Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. (ARSENIO TAN)
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad