Mga Cabalen, eto na naman tayo sa Bank of Philippine Islands (BPI) ng Ayala Group of Companies, kapabayaan at kawalan ng pakialam sa mga kliyenteng ninanakawan ng deposito at walang habag sa mga credit card members na dumudulog para habulin ang mga kawatan.
Kabilang ang inyong lingkod sa mga nakaranas ng kawalan nang pakialam ng mga kinauukulan ng BPI. Ang karanasan na hindi ka man lang pag-ukulan ng pansin at kaunting paglingap mula sa mga tauhan ng sangay nito hanggang sa legal team na dapat sanang nag-iimbestiga sa mga nanakaw na credit cards at illegal na transaksiyon matapos itong manakaw.
Walang paglingap dahil ang sinasabing pag-iimbestiga ay nauwi din sa malaking bayarin na na-charge sa credit card owner. Kunwaring pag-iimbestiga pero hindi umabot sa ginawan ng transaksiyon na merchants o tindahan kung saan ginamit ang nakaw na credit card.
Maghihintay ka pero wala namang makitang ginawa ang BPI legal team para ang pobreng biktima ng nakaw na credit card ay matulungan.
Ang resulta ng imbestigasyon? Babayaran din lahat ng ilegal na nai-charge dito. Dahil wala silang mahahabol para mabayaran ang BPI.
Walang kuwentang mga tao! Walang pang unawa. Kaya ang magdurusa, ang pobreng biktima ng ninakaw na credit card.
Dahil kailangan mong bayaran at dahil nais ipamukha sa biktima na siya ay nagsisinungaling sa kanyang reklamo, dapat niyang pagdusahan ang pagbabayad.
Sinubukan din nating humingi ng tulong sa ilang kaibigan daw na may mataas na tungkulin sa BPI. Wala din po ginawa at wala kang narinig mula sa kanila.
Ang tanging remedyo na lang sana ay makahingi ng mas magaan na sistema ng pagbabayad. Na kahit masama ang loob ng biktima sa pagbabayad sa hindi naman niya pinakinabangan at sa BPI na walang pagkalingansa kliyente ay mapagaan ang buwanang pagbabayad nito.
Wala ka na talagang maaasahang tulong sa mga bangko na ipinagkatiwala ang punagpaguran pagkatapos ay lolokohin ka lang.
At ngayon naman ang duplication ng withdrawal? Kailan naman ang positibong resulta nito?!
Kung minsan mga Cabalen siguro mas mabuti nasa bahay na lamang ang perang naipon, tutal kakarampot lang naman ang interest na ibinibgay ng mga ito. Pagkatapos ay nanakawan ka pa.
Hay naku! Kamalas naman.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan