January 23, 2025

‘BOY DILA’ NAG-SORRY

NAPAIYAK si Lexter Castro, ang “Boy Dila” ng San Juan, habang humihingi ng tawad sa delivery rider na binasa at inasar niya sa nakaraang Wattah! Wattah! Festival sa siyudad.

Ngayong Martes ng hapon ay iniharap ni Mayor Francis Zamora sa publiko si Castro, na tinawag niyang “nakakagalit na mukha ng Watah! Watah! Festival.”

Sa video na ibinahagi ni Zamora, makikita si Castro na emosyonal habang humihingi ng tawad sa naabala niyang rider.

“Unang-una po [humihingi] po ako ng pasensya sa ating mayor sa nagawa ko po dahil po sa akin nasisira po ang San Juan po…Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nasabi ko po sa inyo lalong lalo na po sa rider, humihingi po ako ng tawad po sa inyo at gusto ko po kayong makita sa personally na gusto ko po humingi ng paumanhin po,” aniya.

Tuluyang naiyak si Castro habang umaapela ito sa publiko na huwag idamay ang kanyang pamilya sa kanilang galit sa kanya.


“Saka sa mga nagbabanta po sa akin, hindi ko na rin po maisip kung ano po, na-stress na rin po ako, kung anu-ano na lang din po ang lumalabas na pagbabanta sa akin lalong lalo na po sa pamilya ko, huwag naman po sana nilang idamay. Kung may galit po sila sa akin, ako na lang po ang anuhin nila dahil masakit din po na nadamay po ang pamilya ko,” pahayag niya.

Bago ito, inanunsyo ni Zamora na pinahahanap na niya si Castro para “bigyan ng leksyon.”  

Papatawag ko siya at kakausapin ko siya personally. At sisiguraduhin ko na matuto sila ng leksyon. Yung masakit na leksyon na maalala niya habambuhay niya para hindi na ulitin uli,” ayon sa alkalde.