January 22, 2025

Boxing legend Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19

Na-confined sa ospital si boxing legend Roberto “Hands of Stone” Duran, (dating four -time  weight champion namay pro record na 103-16) ,  pagkatapos na magpositibo sa coronavirus. Kabilang lamang si Duran, 69-anyos sa mga indibidwal sa Panama na nadagdag sa panibagong kaso ng Covid-19 sa naturang bansa.

Test results have just arrived for my dad, and they confirm he is positive for Covid-19,” pahayag ng kanyang anak na lalaki na si Robin Duran sa Instragram.

“Thank God for now he doesn’t have symptoms beyond a cold.”

He is not in intensive care nor on a respirator, just under observation.”

“We’ll be passing on more information over the days.”

Ayon pa kay Robin, nagpasya siyang dalhin na sa ospital ang kanyang ama dahil ang isa sa bahagi ng baga nito ay nagkaroon ng deperensiya dahil sa isang car crash sa Argentina noong 2001; dahilan upang mahirapang huminga ang iconic fighter.

Ang nasabing aksidente ang naging dahilan ng pagretiro ng iconic fighter sa pagsuntok sa lona sa loob ng tatlong dekada mula 1968 hanggang 2001.

Kaugnay sa nangyari kay Duran, hinimok ni Duran ang kanyang mga kababayan na tumugon sa panawagan ng kinauukulan na sundin ang mga alintuntunin upang hindi dapuan ng coronavirus; sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Isa sa naging markadong boxing bout ni Duran ay ang paghaharap nila ni Sugar Ray Leonard noong 1980, kung saan dinaig niya ito at naging WBC welterweight champion.

Nakaharap niya naman sa kanyang last bout si Hector Camacho noong July 2001 kung saan ay natalo siya sa huli.