MINASAKER ng Boston Celtics and Dallas Mavericks, 107-89, para kunin ang Game 1 ng 2024 NBA Finals.
Lumamang nang hangang 29 points ang Celtics sa second quarter at mula dito ay hindi na nilingon ng home team ang Dallas.
Sinubukan pang humabol ng Maverick sa ikatlong bahagi ng laro matapos mapababa ang lamang sa walong puntos.
Subalit muling uminit si Kristaps Porziņģis na humakot ng kabuoang 20 points, 6 rebounds para tuluyang ibaon ang visiting team.
Nanguna sa panalo si Jaylen Brown at 22 points, 6 rebounds, 2 assists habang nag-ambag si Jayson Tatum ng 16 points, 11 rebounds, 5 assists: Kristaps Porziņģis – 20 rebounds, 6 rebounds
May 30 points, 10 rebounds naman si Luka Dončić para sa Dallas habang si Kyrie Irving ay nagtala ng 12 points at 3 rebounds.
Gaganapin ang Game 2 sa darating na Lunes, sa home court pa rin ng Boston. RON TOLENTINO
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM