September 28, 2024

BOSTON NAI-SECURE ANG THIRD CONFERENCE FINALS WIN VS INDIANA PACERS, 114-111

NAITARAK ni Jrue Holiday ang go-ahead three-point play sa 38 segundong nalalabi, upang tulungan ang Boston Celtics mag rally mula sa 18-point deficit para matalo ang Indiana Pacers sa 114-111 Sabado ng gabi para sa 3-0 lead ng Eastern Conference finals.

May pagkakataon ang Boston na masungkit ang pangalawang NBA finals trip sa Game 4 Lunes sa Indianapolis.

Tinapatan ni Jayson Tatum ang kanyang playoff career na 36 points, 10 rebounds at eight assists. Jaylen Brown nagdagdag ng 24 points at Al Harford may 23 points at seven 3-pointers para sa ika-anim sunod-sunod na tagumpay sa playoff game ng Celtics at manateling walang talo sa road ngayong postseason.

Andrew Nembhard pinamunuan ang Pacers sa iniskor na 30-points bago naagaw ni Holiday ang bola sa 3.3 segundong nalalabi.T.J McConnell nagtapos ng 23 points,nine rebounds at six assists,habang si Myles Turner at Pascal Siakam nag-ambag ng tig-22 points.

Naglaro ang Indiana na wala ang kanilang All-NBA guard Tyrese Haliburton, na nakaupo dahil sa left harmstring injury. RON TOLENTINO