
Bumuslo ng 50 points si Jayson Tatum upang akayin ang Boston Celtics sa panalo sa Game 3. Winarak ang Celtics ang Brooklyn Nets sa iskor na 125-119 sa NBA playoffs East Round 1.
Gumawa rin si Tatum ng 7 assists at 5 rebounds. Nag-ambag naman si Marcus Smart ng 23 points, 6 assists at 3 boards. Si Tristan Thompson naman ay bumira ng 19 points at 13 boards.
Samantala sa Brooklyn, bumira si James Harden ng 41 points, 7 boards at 10 assists.
Naglista naman si Kevin Durant ng 39 points, 9 boards at 4 steals. Habang si Kyrie Irving naman ay gumawa ng 16 points, 6 boards at 2 assists.
Tinambakan ng Nets ang Celtics sa umpisa ng first quarter. Pero, bumanat ang Boston ng 9-0 run upang kunin ang lead sa katapusan ng kwarter, 33-32.
Mula rito, naging maayos at maingat na ang laro ng Celtics.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo