
Pasok na ang Boston Celtics sa East Finals matapos itarak ang 4-3 series. Pinalo ng Celtics ang Milwaukee Bucks sa isang blow-out win, 109-81 sa Game 7.
Nanguna sa opensa ng Boston si G. Williams na bumira ng 25 points, 6 boards at 2 blocks. Nagdagdag naman si Jayson Tatum ng 23 points, 8 assists at 6 boards. Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 19 points, 8 boards at 2 steals.
Sa panig naman ng Milwaukee, lumagare si Giannis Antetokounmpo ng 25 points, 20 boards at 9 assists.
Tumipa naman si Jrue Holiday ng 21 points, 8 assists at 5 boards. Habang si Brook Lopez ay bumanat ng 15 points, 10 boards at 3 blocks.
Makakaharap ng Celtics ang Miami Heat sa East Finals.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT