Nakaraos ang Boston Celtics sa elimination sa NBA Eastern Conference finals. Lubog sa series, 1-3 ang Celtics kontra Miami Heat.
Kaya naman, naikasa nito ang 3-2 record nang paluin ang Heat sa Game 5, 121-108. Kaya, buhay pa ang pag-asa ng Boston na makalusot sa finals.
Bumida sa panalo ng Celtics si Jayson Tatum na bumuslo ng 31 points at 10 boards. Nagdagdag naman si Jaylen Brown ng 28 points.
Binitbit naman ni Goran Dragic ang Heat sa paglista ng 23 points at 4 boards. Nag-ambag naman si Duncan Robinson ng ng 20 points.
Sa umpisa ng quarter, lumamang ng 12 ang Heat. Ngunit, nakahabol ang Boston, 26-18. Lumamang uli ang Miami ng 12 points sa 2nd quarter.
Ngunit, nag-iba ang ihip ng hangin sa second half. Nahabol ang Boston ang Heat, 62-60. Mula roon, iniwanan na ng Celtics ang Miami.
Umabot sa 18 points ang lamang ng Boston sa fourth quarter. Dahilan upang matalo ang Miami.
Dahil ditto, nalusaw ang tsansa ng Heat na pumalaot sa finals sapol noong 2014. Kung saan, nakaharap nito ang San Antonio Spurs sa finals.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo